--Ads--

CAUAYAN CITY – Labis na nagpapasalamat ang pamunuan ng Our Lady of the Pillar Parish Church (OLPPC) sa 200 cavans ng well-milled, super white rice, mga kartun-karton ng mga canned goods, noodles at mga hygiene kits na donasyon ng Bombo Radyo Philippines Foundation, Incorporated (BRPFI) para sa mga naapektuhan ng malawakang pagbaha sa Cauayan City.

Sinabi ni Fr. Eustaquio Jaime Aggabao, asst parish priest ng OLPPC na sila ay overwhelmed at overjoyed sa pakikipag-tie up sa kanila ng BRPFI para mabigyan ng tulong ang mga pamilyang sinalanta ng pagbaha.

Magtutulungan aniya ang mga volunteers ng OLPPC sa pagrepack at kung may isang 1,000 na mairerepack ngayong araw ay maaari na silang makagbigay sa mga barangay bukas o sa araw ng Biyernes para sa unang batch.

Makikipag-ugnayan sila sa mga opisyal ng barangay para sa maayos na pamamahagi ng mga relief packs mula sa Rombo Radyo Philippines Foundation.

--Ads--

Ayon pa kay Fr. Aggabao, mapapabilis ang kanilang pamamahagi ng mga relief packs sa mga barangay sa Cauayan City sa pamamagitan ng pagpapahiram ng sasakyan ng mga miyembro ng Knights of Columbus tulad ng elf truck ni Ginoong Jun Guzman, dating presidente ng Parish Pastoral Council sa Cauayan City.

Ang pahayag ni Fr. Eustaquio Jaime Aggabao.

Samantala, sinabi naman ni Ginoong Art Nisperos, chairperson ng Worship Commission ng OLPPC na malaking tulong para sa mga labis na naapektuhan ng pagbaha ang 200 cavan ng bigas na donasyon ng foundation.

Ito aniya ang pinakamarami nilang natanggap na donasyon.

Nakipag-ugnayan na sila sa mga lay leaders sa bawat barangay para sa listahan ng mga pamilya na labis na nangangailangan ng tulong.

Ang pahayag ni Ginoong Art Nisperos.

Samantala, ang bawat kaban ng bigas ay 50 kgs kaya ang 200 cavans ay aabot sa 10,000 kgs.

Ang bawat relief pack ay maglalaman ng 5 kgs ng bigas na may mga kasamang goods gaya ng de lata, noodles at hygience kits kaya aabot sa 2,000 na recipients ang mabibiyayaan sa donasyon na bigas ng Bombo Radyo Philippines Foundation, Incorporated.