--Ads--

Umabot sa halos dalawampung libong katao ang inilikas sa walong munisipyo sa Aurora Province dahil sa Bagyong Pepito.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay MDRRM Officer Engr. Amado Elson Egargue sinabi niya na ang mga evacuess sa Aurora Province ay umabot sa 5,700 na pamilya o katumbas ng 18,097 na katao.

Batay sa datos ng DOST-PAGASA ang bayan ng Dipaculao ang dinaaan ng eye wall ng super typhoon Pepito.

Agad naman silang nagsagawa ng assessment matapos ang pananalasa ng Bagyo habang ilang bahagi ng Natinal Highway ang hindi madaanan dahil sa mga natumbang puno dulot ng malalakas na hangin.

--Ads--

Aniya bago pa man maglandfall ang Bagyo ay nawalan na sila ng tustos ng kuryente.