--Ads--

Dalawampu’t isa ang nasawi sa isang multiple-vehicle collision sa N1 highway sa Western Cape, South Africa.

Ayon sa pulisya, sangkot sa aksidente ang dalawang Toyota minibus taxi at isang Suzuki SUV. Labingwalo ang idineklarang patay sa lugar habang tatlo pa ang nasawi matapos dalhin sa ospital.

Apat naman ang malubhang nasugatan. Dahil sa aksidente, pansamantalang isinara ang bahagi ng N1 highway sa pagitan ng Prince Albert at Leeu-Gamka.