Dumating na sa Pilipinas ang 23 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Jeddah, Saudi Arabia na unang isinakay ng Singapore Air Force patungong Singapore bago tuluyang makauwi sa bansa.
Siyam sa kanila ay nakarating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 bandang 10:00 ng gabi sakay ng Cebu Pacific Flight 5J806. Samantala, ang labinlima ay naunang dumating ng hapon sa parehong terminal sakay ng Cebu Pacific Flight 5J818.
Upang matiyak ang kanilang kalagayan, agad silang inasikaso ng Department of Migrant Workers (DMW) sa pangunguna ni Maria Theresa C. Sanz, Assistant Regional Director ng DMW National Capital Region, kasama ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Manila International Airport Authority (MIAA) Medical Team.
Ang kanilang ligtas na pag-uwi mula Singapore ay naging posible sa pagtutulungan ng Philippine Embassy sa Singapore, Migrant Workers Office, at OWWA, na nag-asikaso sa lahat ng kanilang pangangailangan.











