--Ads--

Patay ang isang lalaki ang nasawi sa naganap na aksidente dakong-8:31 ng gabi noong Abril 4, 2026 sa kahabaan ng FN Dy Boulevard, Cabatuan Road, San Fermin, Cauayan City kung saan sangkot ang isang motorsiklo at SUV.

Nakilala ang nasawi na si Gaudencio Quitoriano Jr, 37-anyos magsasaka na residente ng Villa Flor, Cauayan City. habang ang tsuper ng SUV ay nakilalang si Jomimar Medinay Baria, 21-anyos, estudyante, residente ng Cabatuan, Isabela.

Batay sa paunang imbestigasyon, parehong binabagtas ng dalwang sasakyan sa kahabaan ng Barangya San Fermin mula sa magkasalungat ang direksiyon. Ang motorsiklo ay patungong Luna, Isabela, habang ang SUV ay patungong Poblacion, Cauayan City. Nang makarating sa pinangyarihan ang aksidente sinubukan ng motorsiklo na mag-overtake bago bumangga sa kasalubong na SUV.


Ang rider at backrider ng motorsiklo ay nagtamo ng malubhang pinsala at agad na isinugod ng Rescue 922 sa Dr. Ester Garcia Medical Hospital subalit idineklarang Dead on Arrival si Gaudencio Quitoriano Jr ng kanyang attending physician.

--Ads--


Ang mga sasakyan at ang driver ng SUV ay dinala sa himpilan ng Cauayan City Police Station para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon.