Dumating na sa lalawigan ng Isabela ngayong araw ang mga ambassador mula sa iba’t-ibang bansa.
19 na ambassador ang mainit na sinalubong sa Cauayan Airport partikular ang ambassador ng Hungary, Russia, Thailand, Romania, Argentina, at 14 na iba pa.
Tiniyak naman ng PNP Isabela at Cauayan Aviation team ang kaligtasan ng mga ambassador na agad din namang isinakay sa bus para sa kanilang pagbisita sa City of Ilagan.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Hungary Ambassador Titanilla Toth, sinabi niya na ang dahilan ng kanilang pagbisita dito ay upang maikutan ang lalawigan ng Isabela.
Ito aniya ang unang pagkakataon na bumisita sila sa Isabela at natutuwa naman sila sa mainit na pagtanggap sakanila.
Dagdag pa niya, mataas ang expectations nila sa Isabela at titinggan nila kung anong maitutulong ng Isabela sa kani kanilang mga bansa.
Bukod sa economic growth aniya na dahilan ng kanilang pagpunta sa Isabela ay plinano na rin aniya nila na tikman ang iba’t-ibang produkto na ibinibida ng lalawigan tulad na lamang ng mga kakanin.
Plano rin aniya nila na makita ang itinatagong paraiso ng lalawigan upang magkaroon din sila ng ideya kung anong mai a-apply nila sa kanilang bansa.