--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang lalaki matapos saksakin ng kanyang tiyuhin sa  Sta. Isabel Sur, City of Ilagan.

Ang biktima ay si Robert Natividad, 25 anyos, may asawa at residente ng Alibagu, City of Ilagan habang ang suspek ay ang tiyuhin niya na si Leonardo Natividad, 45 anyos, may asawa at residente ng Barangay Sta Isabel Sur.

Nagtungo ang biktima sa bahay ng kanyang tiyuhin upang dumalo sa pista at nagkaroon ng inuman kasama ang ama ng suspek.

Nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang magtiyuhin dahilan upang saksakin sa dibdib  ng suspek ang kanyang pamangkin .

--Ads--

Dinala si Robert Natividad sa isang ospital ngunit binawian  ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Naaresto ng mga  pulis ang suspek na sasampahan ng kasong homicide.