--Ads--

Nagpapagaling ngayon sa pagamutan ang nasa dalawampu’t limang katao matapos na magtamo ng sugat sa katawan sa naganap na banggaan ng pampasaherong jeep at SUV sa Gobgob, Tabuk City, Kalinga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Ruff Manganip, information officer ng PNP Kalinga  sinabi niya na sangkot sa banggaan ang isang pampasaherong jeep na nanggaling sa Dugpa, Pinukpuk, Kalinga na minamaneho ni Reynaldo Palangiyan at isang SUV na minamaneho ni Mark Andalin Buslin isang BFP Personnel ng Abra.

Aniya, sa ngayon ay nasa pagamutan ang lahat ng biktima maging ang tsuper ng dalawang sasakyan at isang 2 days old na sanggol, habang patuloy na inoobserbahan ang isa pang biktima na nagtamo ng injury sa spinal cord na inilipat sa Cagayan Valley Medical Center o CVMC habang may dalawang inilipat din sa Almora General Hospital dahil sa fracture.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na nabigla ang tsuper ng jeep sa biglaang paghinto ng kotseng sinusundan nito kaya pinilit nitong mag overtake subalit nasalpok nito ang kasalubong na SUV sa kabilang linya.

--Ads--

Nawalan ng kontrol sa manibela ang tsuper ng Jeep kaya bumaliktad ito sanhi para magtamo ng sugat ang lahat ng mga pasahero.

Sa ngayon ay inihahanda na ang kaso laban sa tsuper ng jeep na mahaharap sa kasong Reckeless Imprudence Resulting in Multiple Physical Injury.