--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagsiksikan sa loob ng selda ng Solano Police Station ang 26 na kataong nahuling nagsusugal sa Poblacion South, Solano.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Supt. Joseph Dela Cruz, information officer ng Nueva Vizcaya Police Provincial office, ang mga nahuli ay kinabibilangan ng dalawamput limang kalalakihan at isang babae na pawang nasa tamang edad

Anya habang nagpapatrolya ang mga kasapi ng Solano Police Station ay kanilang napansin na may mga tao pa rin sa isang restaurant ganap na 10:00 pm.

Natuklasan ng mga pulis na may mga naglalaro ng billiard at nakita ang mga bet money kung kayat agad nilang hinuli ang 26 katao saka dinala sa himpilan ng pulisya.

--Ads--

Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Law laban sa mga suspek.