--Ads--

Kusang isinuko ng apat na small retailers sa Benito Soliven, Isabela ang kabuuang 276 packs ng mga sigarilyong pinaniniwalaang non-tax-paid, na may tinatayang halagang ₱19,408.00, matapos ang isinagawang information drive at inspection ng mga awtoridad nitong Agosto 29, 2026.

Nagsagawa ng joint visit and inspection ang mga tauhan ng Benito Soliven Municipal Police Station, katuwang ang mga kinatawan ng PROCAST at Philippine Tobacco Corporation, sa mga piling retail establishments sa Barangays Andabuen, Maluno Sur, Punit, at San Carlos, Benito Soliven, Isabela.

Layunin ng aktibidad na maipabatid sa mga retailer at wholesaler ang mga panganib at legal na pananagutan na maaaring kaakibat ng pagbebenta ng ilegal at non-tax-paid cigarette products, alinsunod sa Republic Act No. 12022, o ang Act Defining the Crimes of Agricultural Economic Sabotage.

Sa isinagawang information and education campaign, ipinaliwanag sa mga retailer ang mahahalagang probisyon ng batas at ang posibleng epekto ng paghawak o pagbebenta ng mga produktong hindi dumaan sa wastong taxation at regulatory requirements.

--Ads--

Matapos ang isinagawang briefing, kusang isinuko ng mga concerned retailer ang kanilang mga produktong pinaniniwalaang non-tax-paid cigarettes.

Sa kabuuan, umabot sa 276 packs ang mga produktong boluntaryong isinuko, na may tinatayang halaga na ₱19,408.00. Ang mga nasabing produkto ay binubuo ng iba’t ibang brand gaya ng New Berlin, Marshall, Commando, RGD, Cannon, Golden Leaf, Bon Nise, at Bravo.

Matapos ang boluntaryong pagsuko, isinagawa naman ng mga kinatawan ng PROCAST at Philippine Tobacco Corporation ang kaukulang disposal o destruction ng mga nasabing cigarette products.