--Ads--

Tatlo hanggang apat ang tinutulungan ng gobyerno para sa nakatakdang pagtestigo sa kaso laban kay da­ting pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Huwebes.

Ang mga testigo ay pawang nasa ilalim ng witness protection program (WPP) ng DOJ.

Sinabi ni Remulla na aasikasuhin ng gobyerno ang kaligtasan at seguridad na pangangailangan ng mga testigo, kasabay ng paglilinaw na hindi sasagutin ng gobyerno ang pagdadala sa kanila sa The Hague.

Aniya, nakipag-ugnayan ang ICC sa WPP para sa proteksyon ng mga testigo pero walang official communication o papel mula sa ICC.

--Ads--

Paliwanag niya, nananatili pa rin ang paninindigan ng admi­nistrasyong Marcos na hindi miyembro ng ICC ang Pilipinas at ginamit lamang ang Republic Act No. 9851 o ang ­Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity.