--Ads--

CAUAYAN CITY – Nahuli ng mga pulis ang tatlong babae sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng station 2 Santiago City Police Office sa Dubinan West, Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa station 2, may mga concerned citizen ang nagbigay ng ulat na may palaging nagsusugal sa nasabing lugar.

Nagulat ang mga pulis sa sumbong dahil may mga pagkakataong nagtutungo sila sa nasabing lugar upang ipaalala ang hinggil sa kampanya laban sa illegal na sugal.

Nahuli sa akto na naglalaro ng tong-it ang tatlong babae na pawang nasa wastong edad at residente ng Brgy. Dubinan, Santiago City.

--Ads--

Nasamsam ng mga pulis ang isang set ng playing card at money bet.

Ang tatlo ay sasampahan sa kasong paglabag anti-illegal gambling law.