--Ads--
Muling mapapanood sa big screen ang iconic trio na sina Rancho, Farhan at Raju matapos kumpirmahin ng direktor na ginagawa na ang sequel ng hit Bollywood film na “3 Idiots.”
Ayon kay director Rajkumar Hirani, kasalukuyang binubuo ang kuwento at script ng sequel na inaasahang magaganap 20 taon matapos ang mga pangyayari sa unang pelikula.
Inaasahang muling gaganap sina Aamir Khan, R. Madhavan at Sharman Joshi bilang Rancho, Farhan at Raju.
Samantala, nilinaw ni Hirani na mananatiling tatlo ang pangunahing magkakaibigan at walang “fourth idiot” sa sequel.
--Ads--





