--Ads--

CAUAYAN CITY – Kulong ang tatlong kalalakihan matapos na maaktuhang nagsusugal sa Quezon, Naguilian, Isabela.

Ang mga hinuli ay sina Mateo Caronan Morales, 57-anyos, Vicente Torre, 62-anyos at Henry Bautista, 51-anyos na pawang residente ng nasabing lugar.

Nadakip ang mga pinaghihinalaan matapos na maaktuhan ng mga kasapi ng Naguilian Police Station na nagsusugal sa nabanggit na lugar.

Nasamsam sa kanilang pag-iingat ang 6 piraso ng mono black chair, 2 piraso ng lamesa, 5 set ng baraha, at P290 na bet money.

--Ads--

Ang mga nasamsam na ebidensiya at tatlong dinakip ay dinala sa himpilan ng Naguilian Police Station para sa kaukulang dokumentasiyon at disposisyon.