--Ads--
CAUAYAN CITY – Tatlong sakay ng motorsiklo ang nasugatan at nilalapatan ng lunas sa ospital matapos bumangga sa isang SUV ang kanilang sinasakyang motorsiklo habang binabagtas ang daan sa Cabatuan Road, San Fermib, Cauayan City.
Ang SUV ay minaneho ni Mark Daniel Rosario, may international license mula sa California, Unites States of America habang ang tsuper ng motorsiklo ay si Jay Mark Lunacan, 20 anyos.
Parehong nasugatan ang angkas na isang lalake at isang babae, mga residente ng mambabanga, luna, isabela.
Ang dalawang lalake na sakay ng motorsiklo ay nagtamo ng mga gasgas sa katawan habang ang babae ay nagtamo ng bali sa tuhod.
--Ads--
Umagaw umano ng linya ang isang sasakyan kaya naganap ang banggaan.



