CAUAYAN CITY – Arestado ang tatlong kalalakihan matapos maaktuhang nagsasabong sa Purok 3, Careb, Bagabag, Nueva Vizcaya.
Ang mga pinaghihinalaan ay sina Adonis Buen, 41-anyos, may asawa, painter, at Leonardo Costales, 57-anyos, may asawa, magsasaka, kapwa residente ng Murong, Bagabag at Dexter Calixtro, 48-anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Careb, Bagabag.
Nakatanggap ng impormasyon ang mga kasapi ng Bagabag Police Station tungkol sa nagaganap na pagsasabong sa lugar na agad nilang tinugunan na nagresulta ng pagkakadakip ng tatlo.
Hindi naman nadakip sina Jun Aswit at isang alyas “Marawi” ng Sta. Cruz, Bagabag.
Narekober sa lugar ang dalawang pangsabong na manok at limang gaff o ang ikinakawit sa paa ng manok para panlaban sa kalaban nito.
Dinala sa himpilan ng Bagabag Police Station ang mga pinaghihinalaan kasama na ang mga nakuhang ebidensya para sa masusing imbestigasyon at kaukulang disposisyon habang nagsasagawa na rin sila ng operasyon para sa posibleng pagkadarakip ng dalawang nakatakas.











