--Ads--

CAUAYAN CITY – Nadakip ng mga kasapi ng Santiago City Police Office ang tatlong lalaki na lumabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Ang mga nadakip ay sina Lizardo Fernandez, 52 anyos, may-asawa; Cesar Neula Jr, 28 anyos, may-asawa, trcycle driver at kapwa residente ng Barangay Mabini, Santiago City at ang ikatlo ay si Emmanuel Lumibao, 60 anyos, walang asawa at residente ng Barangay Batal, Santiago City.

Una rito ay nakatanggap ng impormasyon ang mga kasapi ng SCPO na si Fernandez ay nakatakdang magbenta ng ipinagbabawal na gamot.

Dahil dito ay agad na nagsagawa ng drug buy bust operation ang mga kasapi ng SCPO katuwang ang Phil. Drug Enforcement Agency na nagresulta ng pagkakadakip ng tatlo.

--Ads--

Binentahan umano ni Fernandez ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na possuer/buyer kapalit ng P/500.00.

Sa pagkapkap naman ng mga otoridad kina Lumibao at Neula na kasama ni Fernandez sa naganap na ang buy bust operation ay nasamsam sa kanilang pag-iingat ang tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Samantala, Nadakip ang isang drug personality sa isinagawang drug buy bust operation si Allan Hope ng Barangay Quezon, San Isidro, Isabela at drug surrenderer.

Sa panayam ng Bombo Radyo Police Senior Inspector Vincent Fieror, hepe ng San Isidro Police Station na katuwang nila ang Phil. Drug Enforcement Agency o PDEA 2 sa buy bust operation na ikinadakip ng suspek.

Nasamsaman ng hinihinalaang shabu ang suspek at Isasailalim siya sa masusing pagsisiyasat.

Ang apat na nadakip sa buy bust operation ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 ( Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).