--Ads--

Kabilang ang 3 propesor mula sa Isabela State University sa Top 100 scientist in the Philippines.

Napabilang ang tatlong propesor ng Computer Science Department ng ISU Echague sa Top 100 Scientists in the Philippines para sa taong 2025 sa kategoryang Engineering & Technology at Computer Science.

Nakamit ni Dr. Edward Panganiban ang ika-31 pwesto, nakamit naman ni Dr. Albert Vinluan ang rank 67, habang rank 84 naman si Dr. Jesusimo L. Dioses Jr.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Albert Vinluan, Rank 67 sa Top 100 Scientist in the Philippines sinabi niya na ang nasabing ranggo ay batay sa isang globally recognized academic platform na sumusuri sa mga siyentipiko batay sa impact ng kanilang pananaliksik, bilang ng citations, at kontribusyon sa kanilang larangan.

--Ads--

Ayon kay Dr. Vinluan, hindi niya inasahan na mapapabilang siya sa National Ranking bagamat noong nakaraang taon ay kasali sila sa Top 10 sa Regional Level.

Ilan sa kanilang research ay may sampu at higit pang citations na mahalaga para sa ibang researchers dahil nagiging basis nila ang content nito.

Pinakamaring citations na natanggap ang kanilang research patungkol sa pagtuloy sa mga binabahang ilog, education at ang iba ay may kinalaman sa precision o smart agriculture.

Aniya kailangan sa kanilang Doctorate bilang Doctor of Information Technology ang Research para makapagpresent sa ibang bansa.

Dito na niya nalinang ang pagsusulat hanggang sa nagagamit na niya ang pananaliksik sa pagtuturo sa kanyang mga estudyante.

Ayon sa kaniya, ang tagumpay na ito ay hindi lamang nagdadala ng karangalan sa unibersidad, kundi nagsisilbi ring inspirasyon sa mga batang mananaliksik na ipagpatuloy ang kanilang pagsusumikap sa larangan ng agham at teknolohiya.