CAUAYAN CITY – Tatlong lunsod at 35 na bayan sa region 2 ang 2019 Seal of Good Local (SGLG) Governance awardees.
Sa city level ay awardee ang Lunsod ng Ilagan at Lunsod ng Cauayan sa Isabela habang ang Lunsod ng Tuguegarao sa Cagayan.
Kabilang naman sa mga municipal awardees sa Cagayan ay ang mga bayan ng Allacapan, Buguey, Sanchez Mira, Gattaran, Iguig, Lallo, Gonzaga, Solana, Camalaniugan at Santa Teresita.
Sa Isabela ay ang mga bayan ng Alicia, Angadanan, Benito Soliven, Burgos, Cabagan, Cabatuan, Cordon, Delfin Albano, Echague, Jones, Luna, Mallig, Naguillian, Quezon, Quirino, Ramon, San Mateo, Roxas at Tumauini.
Ang mga awardees sa lalawigan ng Quirino ay ang mga bayan ng Aglipay, Cabarroguis at Saguday habang sa lalawigan ng Nueva Vizcaya ay ang mga bayan ng Aritao, Santa Fe at Solano.
Ang awarding ceremony ay gaganapin sa ikaapat ng Nobyembre sa Kalakhang Maynila.