3 wanted person, nahuli ng mga pulis sa Isabela
CAUAYAN CITY – Tatlong Dalawang wanted person na may kinakaharap na mga kaso ang dinakip sa mga bayan ng San Mariano, Quezon at San Pablo, Isabela .
Naunang dinakip si Albert Alingog, 36 anyos, magsasaka at residente ng Limbauan, San Pablo, Isabela.
Si Alingog ay number 10 wanted person municipal level na mayroong kinakaharap na kasong paglabag sa Republic Act 9165 ( Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Ang mandamiyento de aresto laban sa suspek ay ipinalabas ni Judge Felipe Jesus Torio II ng Regional Trial Court Branch 22 Cabagan, Isabela.
Nakapaglagak ng piyansang P/200,000.00 ang suspek kaya pansamantalang nakalaya.
Dinakip naman si Camilo Atara, 34 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Daragutan East, San Mariano, Isabela.
Si Atara ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 ( violence against women and their children ).
Ang warrant of arrest laban sa suspek ay ipinalabas ni Judge Hukom Rodolfo Dizon ng Branch 18 Ilagan City
Makakalaya lamang pansamantalang ang suspek kapag naglagak ng piyansang P/24,000.00.
Samantala, dinakip din si Jonas Lacambra, 31 anyos, residente ng Santos, Quezon, Isabela.
Si Lacambra ay nahaharap sa kasong less phycical injury.
Ang mandamiyento de aresto laban sa pinaghihinalaan ay ipinalabas ni Hukom Precious Lovely Olivia Calejao ng MCTC Mallig, Isabela.
Ang suspek ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.




