--Ads--
Narekober ng pinagsanib na pwersa ng mga awtoridad ang paunang bilang na 30 bangkay sa loob ng MV June Aster ngayong Setyembre 11, 2026 matapos ideklarang fire out ang barko at maisagawa ang safety assessment.
Ayon kay Philippine Coast Guard o PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, nagsimula bandang alas-5:16 ng hapon ang retrieval at paglilipat ng mga labi gamit ang BRP Cape Engaño (MRRV-4411).
Nakatakdang dalhin ang mga labi sa Port of Borac sa Coron, Palawan bukas, Setyembre 12, para sa kaukulang pagkilala at iba pang proseso ng mga awtoridad.
Patuloy naman ang operasyon at imbestigasyon kaugnay ng insidente ng sunog sa MV June Aster.
--Ads--










