--Ads--
Nasawi ang nasa 32 katao matapos mabagsakan ng construction crane ang isang tren sa north-eastern Thailand.
Nadiskaril at nawasak ang ilang carriages nito bago nasunog nang bumagsak ang naturang crane.
Galing sa Bangkok ang tren at patungo sana ito sa Ubon Ratchathani ng maganap ang aksidente kung saan nasa 170 na pasahero ang lulan nito nang mangyari ang insidente.
Naglunsad ng imbestigasyon ang State Railway of Thailand kung saan tiniyak nila na papanagutin ang construction company na responsable sa aksidente.
--Ads--











