--Ads--

CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 33 ang nasawi sa ikalawang rehiyon dahil sa tumaas na kaso dengue na naitala ng Department of Health (DOH) region 2 mula January hanggang July 2019.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Romeo Turingan, Dengue Monitoring Coordinator ng DOH region 2 , sinabi niya na naitala na ang 6,836 na kaso ng dengue mula noong Enero hangang July 22, 2019 sa iba’t ibang lalawigan sa ikalawang rehiyon.

Ito ay tumaas ng 120% kumpara sa katulad na panahon noong 2018.

Ayon kay Dr. Turingan, nangunguna ang Isabela sa may pinakamataas na kaso ng dengue na nasa 3,689 mula Enero hanggang Hulyo.

--Ads--

Pangalawa ang Cagayan na may 2,949 na kaso ng dengue.

Ayon kay Dr. Turingan, dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa rehiyon ay nararapat na magpasa na ng ordinansa ang mga lokal na pamahalaan para mapag-ibayo ang paglilinis sa mga bahay at bakuran para maitaboy ang mga pesteng lamok na carrier ng dengue.

Magpapatupad ng mga hakbang ang DOH region 2 bilang tugon sa pagdeklara ng National Dengue Alert gayundin ang paglagpas na ng rehiyon sa Alert Threshold Level.

Ang tinig ni Dr. Romeo Turingan ng DOH region 2