CAUAYAN CITY- Ipinalabas na ng Philippine Red Cross Nueva Viscaya Chapter ang kabuoang bilang ng pasahero ng Leomarick bus na nahulog sa Carranglan, Nueva Ecija.
Ayon sa PRC Nueva Viscaya Chapter, batay sa datos ng anim na magkakahiwalay na pagamutan, nasa 77 ang pasahero ng bus nang ito ay nahulog sa bangin.
Sa kabuoang bilang, 33 ang nasawi, 44 ang nasugatan.
Batay pa sa datos ng PRC, 31 ang isinugod sa Veterans Regional Hospital kung saan 29 ang nasugatan at dalawa ang patay.
Sa Nueva Viscaya Provincial Hospital, 31 rin ang dinala doon at 16 ang nasawi habang 15 nasugatan.
Sa Indegenous Hospital, dalawa ang nasawi at sa Dupax District Hospital ay isa ang nasawi.
Sa Rural Hospital Unit ng Santa Fe, 11 ang nasawi at sa San Jose General Hospital ay isa ang patay.




