--Ads--
Nananatiling missing ang hindi bababa sa 37 estudyante matapos salakayin ng mga hinihinalang miyembro ng Islamic State West Africa Province (ISWAP) ang isang paaralan sa Lassa, Borno State sa Nigeria habang nagsasagawa ng pagsusulit ang mga mag-aaral.
Tatlong katao, kabilang ang isang sundalo at isang guro, ang nasawi sa insidente.
Ayon sa mga awtoridad, kabilang sa mga bihag ang 25 babaeng estudyante, 11 lalaking estudyante, at isang miyembro ng school staff, habang walong katao na ang nailigtas.






