--Ads--

Naghain ang isang grupo ng mga pari, madre, at abogado ng ikatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte ngayong Martes, Pebrero 9.

Ayon sa mga naghain ng reklamo, kabilang sa mga batayan ng impeachment ang culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust, plunder o malversation, bribery, graft and corruption, at iba pang krimen.

Muling binanggit din ang alegasyon na nagbanta umano siya laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Inendorso ito ni Mamamayang Liberal Party-list Representative Leila de Lima, na siya ring nag-endorso ng ikalawang reklamong inihain laban sa bise presidente.

--Ads--

Nauna nang itinanggi ni Duterte ang mga paratang at iginiit na walang basehan ang mga naunang impeachment complaint, na ayon sa kanya ay abuso sa proseso ng impeachment.