CAUAYAN CITY – Apat na tao ang dinakip sa drug buy bust operation na isinagawa sa Santiago City at San Isidro, Isabela.
Nadakip sa drug buy bust operation ng Presinto Uno ng Santiago City Police Office sina Eric Tadeo, 37 anyos, may-asawa, isang tsuper, residente ng ng Mabini, Santago City , at Cleo Antonio, 37 anyos, residente ng Centro East ,Santiago City.
Isinagawa ang buy bust operation laban sa 2 suspek makatanggap ng impormasyon ang mga kasapi ng Presinto Uno na ang dalawa ay nagbebenta at gumagamit ng illegal na droga sa Barangay Mabini, Santiago City.
sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 ng Repcublic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) si Cleo Antonio habang paglabag sa section 11 ng RA 9165 si Eric Tadeo.
Sina Antonio at Tadeo ay hindi sumuko oplan tokhang ng pulisya.
Samantala, Dalawang hinihinalang pusher ang nadakip sa drug buy bust operation ng San Isidro Police Station sa Barangay Ramos. East.
Ang mga nadakip ay sina Jonathan Gelacio,31 anyos, walang trabaho , maituturing na newly identified drug pusher at Niel Octavo, 43 anyos, may-asawa, isang magsasaka at kapwa residente ng nasabing barangay.
Si Octavo ay nauna nang may kinaharap na kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 ngunit pansamantalang nakalaya makaraang maghain ng piyansa.
Nasa pangangalaga na ng San Isidro Police Station sina Gelacio at Octavo at inihahanda na ang kaso laban sa kanila.
Itinatanggi naman ng dalawang suspek na sa kanila galing ang mga nasamsam na droga.




