--Ads--

CAUAYAN CITY– Apat katao ang nasugatan matapos na bumaliktad ang isang truck sa pambansang lansangan na nasasakupan ng Brgy. Indiana, Bambang, Nueva Vizcaya.

Ang mga nasugatan ay sina Christopher Seciban Dacalos,27 anyos, residente ng Paranaque City ;Jun-Jun Elis Pascual at John Aurin Pascual, nasa wastong gulang, kapwa residente ng General Trias, Cavite ;nasugatan rin si Leonel Bayiasis Mayari, nasa wastong gulang residente ng Nasugbo, Batangas.

Batay sa inisyal na pagsissiyasat ng Bambang Police station binabagtas ng isang Isuzu Utility vehicle na minamaneho ni Dacalos ang pambansang lansangan patungong hilagang direksyon nang biglang natanggal ang gulong sa likuran ng sasakyan.

Agad na nag-preno ang tsuper para iwasan ang mga kasalubong na sasakyan subalit nawalan ito ng kontrol sa manibela na nagresulta sa pagbaliktad ng truck.

--Ads--

Nagtamo ng sugat ang apat na sakay ng truck kabilang ang tsuper na agad dinala sa Nueva Vizcaya Provincial Hospital ng mga tumugon na kasapi ng MDRRMO para malapatan ng lunas.