--Ads--

CAUAYAN CITY- Patuloy na sinusubaybayan ng mga manggagamot ang isang pamilya na nabangga ng isang pampasaherong bus sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Habang binabagtas ang national highway sa Busilak, Bayombong Nueva Vizcaya ng pamilya Guile lulan ng isang traysikel na minamaneho ni Edison Guile, 32 anyos, kanyang asawa at tatlong anak nang bigla silang bungguin ng isang pampasaherong bus .

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima habang wala naman umanong sugat ang 6 months na sanggol matapos tumilapon sa daan.

Tanging iniinda ng apat na taong gulang na biktima ay ang sugat sa likurang bahagi ng katawan habang ang isa pang anak na babae ay may gasgas at masakit ang ulo.

--Ads--

Agad isinugod ng mga tumugong Rescuers sa Veterans Regional Hospital ang mga biktima na isinailalim sa masusing gamutan.

Hindi pa naman batid ang uri ng pampasaherong bus na nakabangga sa mga biktima.