CAUAYAN CITY – Nahaharap sa kasong illegal possession of explosives ang nadakip ng mga kasapi ng Kasibu Police Station sa Nueva Vizcaya na isang magsasaka matapos makita sa kanyang bahay ang apat na dinamita.
Ang nadakip ay si James Bo-ahon, nasa tamang edad, isang magsasaka, at residente ng Tokod, Kasibu, Nueva Vizcaya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Inspector Norly Gamal, hepe ng Kasibu Police Station na mayroong nagsumbong sa kanilang himpilan kaugnay sa pagkakaroon ng shotgun ni Bo-ahon.
Dahil dito nagpalas ang RTC Branch 37 sa Bayombong, Nueva Vizcaya ng search warrant sa bahay ng pinaghihinalaan.
Walang nakitang barul sa loob ng suspek subalit nakita sa kusina ng bahay ang mga apat na booster, apat na cable wire at apat na blasting cup.
Ayon sa suspek nakuha umano niya ang dinamita sa kanyang pinagtrahuan noong siya ay construction worker noong taong 2012 kung saan ginagamit nila ito para pasabugin ang mga malalaking bato sa paggawa nila ng lansangan sa kanilang barangay.
Napaka-delikado anya ito dahil kung kaya nitong pasabugin ang bato ay mas lalong kaya nitong pasabugin ang isang bahay.




