--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi pa rin madaanan ang apat na tulay sa isabela bunsod ng halos isang linggo pag-ulan sa lalawigan at mga kalapit lalawigan.

Ito ay kinabibilangan ng Alicaocao Overflow Bridge dito sa Cauayan City; Gucab Overflow Bridge sa Echague; Santa Maria Overflow Bridge at Cansan Overflow Bridge sa Santo Tomas, Isabela.

Binabatayan ngayon ng mga otoridad ang mga nasabing tulay upang matiyak na walang mamamayang magpumilit na tumawid.
Sa Coastal town ng Maconacon ay maulap at may mahinang pag-ulan.

Sa Divilacan, Palanan at Dinapigue, Isabela ay may mga panaka-nakang pag-ulan habang ang dagat ay may katamtaman pag-alon.
Mahigpit ding pinagbabawalan ang mga maliliit na bangkang pangisda na pumalaot.

--Ads--

Samantala, ang Magat Dam ay mayroong water elevation 188.41 meters, ang inflow ay 225 cubic meter per second, ang ouflow ay 309 cubic meter per second at walang nabuksang flood gate.