--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasugatan ang apat na sakay ng isang Toyota Innova na nahulog sa bangin kaninang umaga sa Baracbac, Sta. Fe, Nueva Vizcaya.

Ang Santa Fe Police Station Police kasama  Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)  Municipal Health Office (MHO) at Bureau of Fire Protection (BFP) ay nagsagawa  rescue operation matapos na mahulog ang sasakyan sa bangin na may lalim na  100 meters.

Ang sasakyan ay minaneho ni Alyas Domingo, 49 anyos, accountant at residente ng Barangay 119, Pasay City.

Lulan ng sasakyan sina Jemma, 48 anyos, Rose, 48 anyos at  John, 9 anyos.

--Ads--

Lumabas sa imbestigasyon ng  Sta Fe Police Station na nahulog sa bangin ang sasakyan nang mawalan nang kontrol sa manibela ang tsuper sa pababang bahagi ng daan habang binabagtas ang direksiyon patungong  Santa Fe Proper.

Ang mga lulan ng sasakyan ay nagtamo ng mga sugat sa kanilang katawan at unang nilapatan ng lunas sa MHO bago inilipat sa  Region 2 Trauma and Medical Center sa Bayombong, Nueva Vizcaya.