Nagpapatuloy ang search and rescue operations ng mga Israeli firefighters at first responders para sa apat na taong nawawala matapos tamaan ng isang ballistic missile mula sa Iran ang isang seven-storey residential building sa lungsod ng Haifa sa Israel nitong Linggo ng gabi.
Ayon sa Israel Defense Forces (IDF), ang direct hit ay naganap bandang 15:00 GMT, ilang minuto lamang matapos ang inilabas na military warning tungkol sa mga papasok na missiles mula sa Iran.
Sa ulat ng Magen David Adom (MDA), apat na katao ang kumpirmadong sugatan sa insidente—Isang 82-anyos na lalaki na nasa serious condition dahil sa blast injuries at pagkabagsak ng heavy objects; Isang 10 buwang gulang na sanggol na nagtamo ng head injury mula sa shrapnel; at dalawa pang indibidwal na nagtamo ng minor injuries.
Gumuho ang bahagi ng facade ng gusali, kaya naman gumamit ang mga rescue teams ng mga flashlights at heavy equipment upang halughugin ang mga rubble at concrete blocks.
Kinumpirma ni Police Commissioner Danny Levy na nakatutok ang kanilang operasyon sa paghahanap sa apat na nawawala, na pinaniniwalaang na-trap sa ilalim ng gumuhong gusali.










