--Ads--

Naaresto ngayong araw sa Brgy. Bagumbayan, Lungsod ng Ilagan, Isabela, ang lalaking naitalang No. 10 Most Wanted Person.

Kinilala ang akusado bilang si alyas “Sam,” 48-anyos, isang magsasaka at residente ng Brgy. San Rodrigo, Lungsod ng Ilagan, Isabela.

Pinangunahan ang operasyon sa pag-aresto ng Ilagan Component City Police Station, 201st MC RMFB2, at RIU 2 PIT Isabela East, alinsunod sa utos ng Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 17, Lungsod ng Ilagan, Isabela, na walang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Nahaharap si alyas “Sam” sa kasong Qualified Theft at panggagahasa sa isang menor de edad.

--Ads--

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na siya ng Ilagan City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.