--Ads--
Apat ang nasugatan matapos tamaan ng mga Iranian missile ang Dubai International Airport noong Pebrero 28.
Ayon sa Dubai Media Office, isang concourse sa DXB ang nagkaroon ng minor damage ngunit agad na na-kontrol ang sitwasyon.
Maliban sa Dubai International Airport tinamaan din ng missile ang Abu Dhabi International Airport ngunit hindi malinaw kung direktang impact o debris mula sa interception ang sanhi.
Dahil sa pagatake ang mga airline tulad ng Emirates, flydubai, at Etihad ay pansamantalang suspindido ang operasyon.
--Ads--





