--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigit 40 na matagumpay na Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs) mula sa iba’t ibang bayan at lunsod sa Isabela ang dumalo sa Kapatid Mentor Me (KMME) Forum Stakeholders Analysis na isinagawang ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Isabela.

Sumentro ang Kapatid Mentor ME Forum sa iba’t ibang kailangan kung paano ang mga proseso at mga detalye  para  makakuha ng business permit at paano ang marketing at pagpapalago ng mga produkto ng mga MSMEs.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Consumer Protection Division Head Elmer Agorto ng DTI Isabela na mahalaga ang ganitong forum dahil dito nalalaman ang mga problema ng mga MSMEs.

Mas mapadali aniya ang pagtukoy ng DTI at iba pang ahensiya ng pamahalaan ng mga tulong na puwedeng ibigay sa kanila  dahil  nanggaling mismo sa kanila ang mga bagay na kinakailangan nila.

--Ads--

Dito rin ibinabase ng DTI kung ikukunsidera kung kayang pondohan ng kagawaran.

Dagdag pa ni Ginoong Agorto na ang DTI ay hindi para lang sa regulasyon kung may dalawang mandato ang kagawaran tulad ng champion business at champion consumers.

Sa ngayon aniya ay maganda ang pagtangkilik ng mga mamamayan sa mga produkto na ibinebenta ng mga MSMEs dahil sa pinakahuling datos ay umaabot sa 1 million pesos ang kinita ng kooperatiba ng mga MSMEs.