--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipapasara ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) sa koordinasyon sa mga Local Government Unit (LGU) ang  44 na nagpapatakbo ng e-sabong sa Isabela bilang tugon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PMaj Amy dela Cruz, Information Officer ng IPPO na makikipag-ugnayan muna sila sa mga pamahalaang lokal dahil dahil nasa ilalim nila ang operasyon ng mga e-sabong.

Ang mga aalma aniya ay puwedeng patawan ng sanction o sampahan ng kaso.

May cyber crime division ang Philippine National Police (PNP) na kasamang magmomonitor para matiyak na hindi  na muling magsasagawa ng operasyon ang mga e-sabong.

--Ads--

Aon kay PMaj Dela Cruz, inatasan na ni  PCol Julio Go, panlalawigang direktor ng IPPO  ang mga hepe ng pulisya sa Isabela na ipatupad ang pagpapatigil sa online sabong sa mga nasasakupan nilang lugar.