--Ads--

Arestado ang 440 katao at 76 ang sugatan sa nagpapatuloy na kilos-protesta ng mga estudyante sa France dahil sa siksikang klase at kakulangan sa mga guro.

Nagsimula ang mga protesta sa Paris at kumalat sa iba’t ibang lungsod, kabilang ang Dijon, Lyon, Strasbourg, Lille at Marseille, kung saan ilang paaralan ang ilang araw nang binabarikadahan ng mga estudyante.

Ayon sa mga awtoridad, may mga insidente ng paghahagis ng mga bagay sa pulis at pagsusunog ng mga basurahan, habang gumamit naman ng tear gas ang mga awtoridad para dispersahin ang ilang nagpoprotesta.

Samantala, nanawagan ang student union na USL ng mas malawak na pambansang protesta sa Oktubre 6.

--Ads--

Giit ng mga estudyante, nais nilang iparating ang kanilang hinaing sa siksikang klase at labis na trabaho ng mga guro.