--Ads--

CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 528 ang COVID-19 positive sa Lambak ng Cagayan matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) region 2 ng bagong 5 na positibo sa sakit.

Apat sa nasabing bilang ang mula sa Isabela habang isa ang mula sa Cagayan.

Una si CV524, 40 anyos na babae mula sa Aurora, Isabela, Locally Stranded Individual (LSI) na galing sa Maynila at nakaranas ng ubo.

Ikalawa si CV525, 27 anyos na lalaki mula sa Alicia, Isabela, galing sa Cebu City at asymptomatic.

--Ads--

Ikatlo si CV526, 47 anyos na babae mula sa Rizal, Cagayan, LSI na galing sa Binian, Laguna at asymptomatic.

Ikaapat si CV527, 26 anyos na babae mula San Guillermo, Isabela,  galing sa Muntinlupa City at asymptomatic.

Ikalima si CV528, 38 anyos na babae mula Echague, Isabela,  galing Marikina City at asymptomatic.

Isinasagawa na ang contact tracing sa 5 bagong COVID-19 positive sa region 2.