Nag-extend si US President Donald Trump ng karagdagang 24 oras sa Iran upang makipagkasundo sa muling pagbubukas ng Strait of Hormuz, o harapin ang matinding atake sa kanilang mga planta ng kuryente at tulay.
Ang bagong deadline ay 0000 GMT sa Miyerkules, katumbas ng 8:00 AM sa Pilipinas (PHT) at 8:00 PM Eastern Time (Martes).
Mula Pebrero 28, isinara ng Iran ang shipping lane sa Strait of Hormuz, isang mahalagang ruta para sa langis at gas sa buong mundo.
Aminado si Trump na may “magandang pagkakataon” para sa kasunduan ngayong Lunes, ngunit handa umano ang US na wasakin ang ilang kritikal na imprastruktura kung hindi makakamit ang deal.
Dagdag pa rito, iginiit niya na hindi dapat ituloy ng Tehran ang pag-develop ng nuclear weapons. Sinubukan rin ng umano ng US na magpadala ng armas sa Iranian protesters sa pamamagitan ng Kurdish intermediaries, ngunit itinanggi ng Iraqi Kurdistan ang anumang ganitong operasyon.











