--Ads--

CAUAYAN CITY – Limang bahay ang tinupok ng apoy sa Purok Uno, Cataguing San Mariano, Isabela.

Nagtulungan ang mga bombero mula sa ilang bayan sa Isabela para maapula ang apoy na tumupok sa limang kabahayan sa nasabing bayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Barangay Kagawad Danilo Marquez ng Brgy. Cataguing na unang tumugon ang mga bombero ng BFP at Municipal Disaster Risk Reduction Management Council ng San Mariano, Isabela.

Dahil sa gawa sa light materials ang mga magkakalapit na bahay ay madaling natupok ng apoy.

--Ads--

Naideklarang fireout ang sunog bago mag-alauna ng hapon.

Nagsimula ang sunog sa bahay ng pamilya Acera dahil sa umanoy nag-spark na electrical wire na nagdulot ng apoy.

Gayunman, sinisiyasat pa rin ng BFP San Mariano ang tunay na pinagmulan ng sunog na tumupok sa 5 kabahayan.