--Ads--

CAUAYAN CITY– Kasalukuyan pa ring ginagamot sa Southern Isabela Medical Center (SIMC) ang limang batang nasangkot sa aksidente sa barangay Malapat.

Ang mga batang sakay ng motorsiklo na nasangkot sa aksidente matapos mabangga ng SUV ay 12 anyos, 10 anyos, 9 anyos, 8 anyos at 5 anyos .

Ang tsuper ng pulang Toyota Innova na nakabangga sa mga bata ay si Cesar Lim, residente ng Buenavista, Santiago City

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Major Fernando Mallillin, hepe ng Cordon Police Station, inatasan umano ng ina ang kanyang labing dalawang taong gulang na anak na ihatid sa paaralan ang kanyang mga kapatid sa paaralan kung saan sumama na rin ang limang taong gulang na kapatid.

--Ads--

Palagi anyang inuutusan ang labing dalawang taong gulang na bata upang ihatid ang kanyang tatlong kapatid sa paaralan sakay ng motorsiklo.

Papaliko na sana patungo sa isang elementary school ang motorsiklo lulan ang mga biktima ng bigla itong mabangga sa likurang bahagi ng sumusunod na SUV.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang mga biktima at nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad dinala sa pagamutan.

Ang pahayag ni PMajor Fernando Mallillin, hepe ng Cordon Police Station