--Ads--

CAUAYAN CITY– Dinakip ng mga kasapi ng Kayapa Police Station sa Nueva Vizcaya ang isang Punong Barangay at apat pang kasamahan matapos na maaktuhang nagsusugal at lango sa nakalalasing na inumin sa Ambalata Balangabang, Kayapa, Nueva Vizcaya.

Ang mga dinakip ay sina Punong Brgy. Jovito Fernandez, 36 anyos tatlumpu’t anim na taong gulang, may asawa at kapitan ng Barangay Balangabang Kayapa; Luis Antonio, 36 anyos,may asawa; Sandy Alawas, 40 anyos; Amor Diclas 45 anyos, at Noriel Sabino, 19 anyos, binata, pawang magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Isang Concerned Citizen ang nakipag-ugnayan sa himpilan ng pulisya upang iulat ang nagaganap na pagsusugal sa nasabing lugar.

Agad na nagtungo sa lugar ang mga pulis at dinakip matapos maaktuhang naagsusugal ang punong barangay at apat pang kabarangay.

--Ads--

Nasamsam ng mga otoridad ang bet money at isang set ng baraha.

Nakainom rin ng alak ang mga dinakip kabilang na ang barangay kapitan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Police Staff Sgt. Andrew Basilang ng Kayapa Police Station, hindi makausap ng maayos ang Punong Barangay dahil sa hinihinalang nakainom ito ng nakalalasing na inumin.

Tinig ni PStaff Sgt. Andrew Basilang ng PNP Kayapa