--Ads--

Sugatan ang 5 katao matapos masangkot sa aksidente sa bahagi ng Santiago – Tuguegarao Road, Brgy. San Andres, Santiago City.

Ayon sa Santiago CPO Traffic Enforcement Unit ang mga sangkot na motorsiklo ay isang Silver TMX Single Motorcycle na minamaneho ng isang 35-anyos kasama ang backrider na 25-anyos, kapwa private employee at residente ng Palanan, Isabela at isang pulang Honda Click Single Motorcycle na minamaneho ng isang 21-anyos kasama ang dalawang backride na isang 19-anyos at 15-anyos na mga kalalakihan, construction worker at pawang mga residente ng Mabini, Santiago City.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng PNP lumalabas na binabagtas ng TMX sakay ang mga biktima ang daan patungong Mabini Circle habang patungo namang Barangay Rizal ang Honda Click lulan ang 3 lalaki.

Nang makarating sa lugar ng pinangyarihan ng aksidente, papasok sana sa Basilio Street patungong San Andres proper ang Honda Click nang masalpok ito ng TMX na nagmula naman sa outerlane ng daan.

--Ads--

Agad namang dinala ng mga tumugon na Rescue 1021 sa pagamutan ang mga sugatang kalalakihan habang inaalam pa ng mga kapulisan ang halaga ng pinsalang iniwan ng aksidente.