--Ads--

Patay ang nasa 50 katao matapos na mahulog sa bangin ang sinakyan nilang bus sa Guatemala City.

Patungo ang bus sa Guatemala City ang bus ng ito ay mahulog sa bangin na may lalim na 65 ft. sa bahagi ng Puente Belice.

Agad naman na nagtulong-tulong ang mga rescuers at kinuha ang mga biktima na naipit sa nahulog na bus.

Base sa mga kuhang larawan nalubog pa sa tubig ang bus kung saan natagpuan ang mga bangkay.

--Ads--

Nailigtas naman ng mga otoridad ang 20 pasahero na agad dinala sa ospital habang nasa 36 lalaki at 15 babae ang dinala sa morgue.

Ayon kay Public Ministry spokesperson, María Mansilla, magre-request sila ng toxicology report sa tsuper na si Billy Foronda, 24, nasawi, at kapatid nito na si Anibal Foronda, 24, nakaligtas at nagsisilbing assistant.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga kapulisan sa nangyaring aksidente.