CAUAYAN CITY- 50,000 na magsasaka ang napagkalooban ng CLOA o Certificate of Land Ownership ng Pamahalaan ngayong taon sa Lalawigan ng Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Deputy House Speaker Antonio “Tonypet” Albano, sinabi niya na maliban sa CLOA ay nakapag abot na rin ng tulong si Pangulong Marcos sa mga apektadong pamilya dahil sa Bagyo sa Nueva Vizcaya, Isabela, at Cagayan.
Ayon sa kaniya bagamat nakapag abot ng tulong ang pamahalaan ay aminado siya na sadyang kulang talaga ang pondo para dito kaya hindi dapat umasa lamang ang taumabayan sa Pamahalaan lalo na sa dami ng mga napinsala ng Bagyo ngayong buwan lamang ng Nobyembre.
Sa kabila nito ay tinyak naman niya na patuloy silang nagsisikap para makahanap ng karagdagang pondo na maibabahagi para sa lahat ng mga nanganagilangan ng tulong.