--Ads--

CAUAYAN CITY – Mangangalap ng mga katibayan ang militar laban sa isang opisyal ng barangay sa Villa Rey, Echague, Isabela na nagbibigay umano ng suporta sa mga kasapi ng New People’s Army o NPA.

Ang mga rebelde ay nakasagupa ng mga kasapi ng 86th Infantry Battalion Philippine Army noong hapon ng Sabado sa Villa Rey, Echague, Isabela.

Matatandaang nasawi si  Corporal Adonis Valera, kasapi ng 86th Infantry Battalion, scout ranger, residente ng Pinukpuk, Kalinga at ginawaran noon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Gold Cross Medal.

Ang mga nasugatan ay sina Corporal Harold Ganagan, residente ng Kalinga at Fajaro Manuel, residente ng Paracelis, Mt. Province.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Brig Gen. Laurence Mina, brigade commander ng 502nd Infantry Brigade na nakatanggap sila ng impormasyon na bago nangyari ang sagupaan ay ilang araw na nag-ikot sa nasabing barangay ang mga rebelde.

Pinapatulog umano ng hindi pa kinilalang barangay kagawad ang mga rebelde sa kanyang bahay.

Mabigat aniya ang parusa ng sinumang opisyal ng pamahalaan na nagbibigay ng suporta sa mga rebelde batay sa ipinalabas na memorandum circular ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ang tinig ni Brig Gen Laurence Mina

Tiniyak ni Brig Gen. Mina na tuluy-tuloy ang kanilang operasyon laban sa mga rebelde lalo na’t wala namang ceasefire sa panahon ng holiday season.

Ang tinig ni Brig Gen Laurence Mina