Pumalo na sa halos limampung libong katao ang naitalang apektado ng Bagyong Marce.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mylene Attaban ang IOC Division chief ng Disaster Response Management Division ng DSWD Region 2, sinabi niya na 15,915 Pamilya o 48,822 na katao ang nailikas at nanatili sa 87% ng mga evacuation centers mula sa 360 Barangays mula sa tatlong probinsya sa Region 2.
Maliban dito, ilang libong pamilya o katao din ang nananatili sa labas ng mga evacuation center o nakikitira sa kanilang mga kaanak.
Aniya mula kahapon ng umaga ay may ilang mga pamilya na ang nagsipagbalikan na sa kanilang mga bahay kaya inaasahang na sa mga susunod na araw ay bababa na ang bilang ng mga evacuees.
Tuloy tuloy ang ginagawa nilang monitoring sa mga bayan na tinamaan ng Bagyong Marce partikular ang Sta. Ana, Alacapan, Lal-lo, Lasam, Pamplona at Sta. Praxedes.
Ito ang magiging batayan nila sa pagpapadala ng augmentation support kung kakailanganin.
Sa kasalukuyan ay nakapagbahagi na ang DSWD ng nasa dalawang milyong pisong halaga ng humanitarian assistance na binubuo ng Food Pack, Food, Non-Food Items at hygine kits.