--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasamsam ng mga pulis ang 51 brix ng Marijuana na laman ng dalawang sako na iniwan sa tabi ng daan sa Bangad Centro Tinglayan, Kalinga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Ruffy Manganip, Public Information Officer ng Kalinga Police Provincial Office (KPPO) na isang concerned citizen ang nagbigay ng pabatid sa Tinglayan Police Station hinggil sa dalawang sako na iniwan gilid ng kalsada.

Sa pagtugon ng mga kasapi ng Tinglayan Police Station kasama ang Kalinga 2nd Provincial Mobile Force Company,  natuklasan nila na ang laman ng dalawang sako ay  51 brix  ng Marijuana na 51 isang kilo rin ang bigat at  may estimated value na 6.12 million pesos.

Posible aniyang may mga nakitang nagpapatrulyang pulis o kaya ay hindi  mailusot  ng mga suspek sa mga checkpoint ng Philippine National Police (PNP) kaya inabandona ang dalawang sako.

--Ads--

Ayon kay PCapt Manganip, dadalhin nila  sa PNP Crime Laboratory ang mga nasamsam na Marijuana brix.