--Ads--

CAUAYAN CITY– Nakapagtala ang Santiago City Social Welfare and Development ng 55 bilang ng mga Children at Risk.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan ang nasabing bilang ay naitala ng Santiago City Social Welfare and Development (CSWD)simula buwan ng Enero hanggang Nobyembre 2017 mas mataas kumpara noong 2016 na apatnapu’t apat.

Inaasahan umano na mas tataas pa ang bilang ng kaso ng children at risk ngayong magbabaksyon ang mga mag-aaral.

Ayon kay CSWD Officer 1 Vladimir Gabatin Jr. mayroon ng train personnel sa bawat barangay para sa Barangay Council for the Protection of Children upang kausapin ang mga batang ipupunta sa kanilang barangay alinsunod sa kanilang protocol na dadaan muna sa barangay bago mapunta sa kanilang tanggapan.

--Ads--

Ilan sa mga ibinibgay na impormasyon ang Family counselling, Parenting Effectiveness Seminar at Empowerment of Paternal Abilities Reinforcement.

Magbibigay din ng pangkabuhayan sa mga magulang ng children at risk na nagkakahalaga ng P5,000.00 ngunit babawiin ito kung malamang hindi nagbago ang kanilang MGA anak.

Dadalhin Namnama ang mga batang lalabag sa batas sa pangatlong pagkakataon at tutulungang magbago ang bata sa loob ng 6 na buwan.

Paalala ng CSWD-Santiago sa mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak upang hindi mapariwara ang kanilang buhay.